Friday, April 26, 2013

SISTERETS CLUB SERIES

kyaah! sabi ko hindi ako puwedeng mag-blog hanggat hindi ko natatapos itong The Chemistry Of Us. Nakakabanas, hirap na hirap ako na tapusing isulat ang kuwentong ito.

My first miniseries was out a week ago at sobraaaang overwhelmed ako sa mga papuri ng readers. Thank you, sissies! *kisses*. Super duper love ko rin ang covers, lalo na 'yung cover ni Abby. Picture ni Leighton Meester ang ginamit ng cover artist. I love Leighton Meester!







Sisterets Club Book 1: Ellice
“Ngayon ay alam ko na kung bakit hindi kita nahanap noon. Dahil magkikita pa tayong muli pagkatapos ng mahabang taon.”

Mula pa noong nasa college sina Ellice at Jacove ay madalas na silang magbangayan. He was a burden and a total pain in the ass. Hindi kompleto ang araw nito kung hindi siya nito naaasar. Kaya nang magtapos sila ng college ay tila nabunutan siya ng tinik sa lalamunan. Hindi na sila nagkita nito.
Pagkalipas ng pitong taon ay nakilala niya si Kian. Maayos naman ang relasyon nila noong una. Hanggang isang araw—sa mismong araw ng second anniversary nila—ay nakipaghiwalay ito sa kanya. Sa labis na galit ay binato niya ito ng sapatos. But to her horror, hindi si Kian ang tinamaan niyon kundi isang lalaking may mahaba at makintab na buhok. Uh-oh, she hit the wrong man! Dali-dali siyang tumakbo sa kinaroroonan ng lalaki at nag-“sorry” dito, pagkatapos ay iniwan na niya ito. Ngunit tinawag siya nito sa buong pangalan niya. Diyata’t kilala siya nito?
“Did you miss me, kitten?”
Kitten? Humarap siya rito at pinaglakbay ang kanyang mga mata sa mukha nito. Her eyes settled on his mouth. She gasped when his smile widened. Kilala niya ang ganoong klase ng ngiti. Si Jacove! Uh-oh, the guy from hell was back at hindi na siya makakaiwas pa.


EXCERPT:


“So, how are you, Ellice?” wika ni Jacove dahilan para bumalik sa kasalukuyan ang isip niya. It has been seven years but the memories were still fresh on her mind as if it all happened yesterday. Maging ang inis na nararamdaman niya para dito ay sariwang-sariwa pa rin.
                  
“I’m sorry pero hindi ako si Ellice,” aniya sabay hablot ng sapatos mula dito.
                  
“Oh c’mon, kitten, alam kong ikaw ‘yan.” Muli nitong pinasadahan ng tingin ang kabuuan niya, napangisi at mahinang sumipol. “Nice figure, iba na talaga ang nagagawa ng surgery ngayon—“
                 
“Jerk!” bulyaw niya sabay tulak sa dibdib nito. “You know what? Binabawi ko na ang sorry ko dahil tinamaan ka ng sapatos ko. Instead ito ang sasabihin ko: buti nga sa’yo, sana ay nabukulan ka.”
                 
Marahan itong tumawa, sa loob ng ilang sandali ay napatulala siya dito. Bulag siya kung sasabihin niya na hindi siya naguguwapuhan kay Jacove. In the first place ay hindi ito magiging campus’ crush kung hindi ito guwapo. Sa paglipas ng panahon ay mas gumuwapo ito. The campus heartthrob has transformed into a total hunk. But he’s still the jerk who made her college life miserable—and unforgettable.
                 
“Jeez, kitten, ang tapang mo pa rin—“
                 
“Stop calling me kitten, will you? Do I still look like a kitten to you?” tanong niya at itinuro ang sariling mukha. Humalukipkip si Jacove, pinaglakbay nito ang mga mata sa mukha niya pagkatapos ay ngumisi.
                   
“Yes, marami na ang nagbago sa’yo. Lumapad ang balakang mo, nagka-beywang ka na rin and your breasts…” He took a peek of her cleavage exposing from her V-neck blouse. “Hmm…very nice.” She felt her cheeks burn. Iniawang niya ang bibig para muli itong bulyawan ngunit bigla na lamang nitong inilapat ang hintuturo sa labi niya. “Sssh, hindi pa ako tapos magsalita. You’re a grown up woman now but for me, you’re still the cute little kitten that I love to tease.” Kinindatan siya nito dahilan para tumalon ang puso niya. Oh no, bakit naapektuhan siya nang ganoon sa pinag-gagawa ni Jacove?
                 
Tinabig niya ang daliri nito. “Wala ako sa mood para patulan ang psychotic na gaya mo,” aniya sabay lapag ng pink stilettos sa lupa at isa-isang isinuot. “It’s nice meeting you again, I hope ito na ang huli,” she added with sarcasm then turned on her heels without waiting for Jacove’s response.
                
She heard him chuckle. “Oh, and Ellice—“
                  
“What?”
                   
“May tagos ka.”
                  
“Sira ulo,” magkatagis ang mga bagang na wika niya at binilisan pa ang paglayo sa lugar. 

God, that night was a disaster. 







Sisterets Club Book 2: Abby

Gav had just given her a kiss that would surely haunt her nights for the next few days, or weeks, or months, or maybe years.


Sikat na actor si Gav Florence sa Pilipinas pero walang pakialam doon si Abby. Malaki ang inis niya rito mula pa lang nang una niya itong makatagpo sa ladies’ room ng Mom’s Café kung saan siya nagtatrabaho bilang supervisor. Sinira nito ang sales report na pinagpuyatan niyang gawin. Ang pagtatagpong iyon ay nasundan pa nang makabanggaan nito ang snatcher ng bag niya. Nabawi niya ang bag ngunit naiwan naman si Gav na nakabulagta sa daan, lasing, at walang malay. She took him to the nearest hotel and again, inubos nito ang katiting na pasensiyang natitira sa kanya.
Hanggang isang araw ay naabutan niya ito sa opisina ng Mom’s Café, claiming himself as the new owner. He was her new boss. Nadagdagan ang pagkabuwisit niya rito nang iharap siya nito sa media at ipakilala bilang girlfriend nito, dahilan para putaktihin, intrigahin, at sundan-sundan siya ng press people. Instantly ay nahawa siya sa kasikatan ni Gav. But she wasn’t pleased. To her, it was a curse.
Ngunit sa kabila ng lahat ng bangayan nila ng binata ay hindi niya napigilang bumigay sa charm nito. She realized she was falling in love with him. Sa tingin niya ay ganoon din ito sa kanya. Pero natuklasan niya ang totoong dahilan kung bakit siya nito ipinakilala bilang girlfriend nito—isang katotohanan na dumurog sa puso niya.
What broke her heart even more was when she found out that Gav was still in love with the woman from his past.

EXCERPT


MUNTIK nang mapasigaw si Abby nang biglang bumukas ang pinto ng ladies’ room at pumasok ang matangkad na lalaking naka-shades at hooded jacket, ini-lock nito ang pinto at humihingal na sumandig doon.

“Nasa kabila po ang men’s room,” aniyang umarko ang kilay habang pinapasadahn ng tingin ang lalaki, agad niyang napansin ang mataas nitong ilong na may matulis at mamula-mulang tungki.

“Do you have a pen and a clean piece of paper?” he asked in a clear, full voice that told her that the man is something. Inalis nito ang shades pagkatapos ay ang hood na nakasuklob sa ulo nito. Wow, he is really something, she thought as she examined the man’s face—his pinkish skin was wet with sweat, his thick but well-shaped eyebrows were knitted together, his almond-shaped eyes were dark brown and flickering with annoyance and his pink, wet lips were sealed tight. Mukhang bad trip ang lalaki pero hindi maitatanggi na guwapo ito, in fact, isa ito sa pinaka-guwapong lalaking nakita niya nang ganoon kalapit, sa loob pa ng ladies’ room. Huh, kung susuwertehin ka nga naman.

“Wala,” sagot niya. “Please, sir, sa kabila po ang men’s—hoy, hoy, ano’ng ginagawa mo?” pakli niya nang walang anu-anong kunin ng lalaki ang folder na katabi ng bag niya at dumukot ng isang piraso ng papel kung saan naka-print ang sales report na pinagpuyatan niyang i-encode kagabi. Akma niyang hahablutin ang papel sa lalaki pero itinaas nito iyon gamit ang mahahaba nitong mga braso. Bastard, she thought angrily. “Give me that!”

“Sssh, be quiet, okay? I need a pen,” he demanded. Bumaling ito sa sink at nakita ang eyeliner niya na nakalimutan niyang ibalik sa bag, bago pa man siya makapag-react ay nahablot na nito iyon. Yumukod ito sa lababo at sinulatan ang likuran ng sales report ng: OUT OF ORDER gamit ang eyeliner niya. Halos magwala siya dahil sa ginawa, hinablot niya ito sa sleeve ng jacket, kating-kati ang kamay niya na kalmutin ang pagmumukha ng walanghiyang lalaki, pero marahas nitong pinalis ang kamay niya at lumapit sa pinto.

“You moron,” nanggigigil niyang sabi, nilapitan ito at itinulak sa likuran ng balikat.

Inis na binalingan siya nito. “I said shut up, mamaya na kita kakausapin, okay?” May dinukot ito sa bulsa, isang bubble gum. Sinimulan nitong balatan iyon, idinikit sa likod ng papel at binuksan ang pinto. Sumilip muna ito bago inilabas ang kamay saka idinikit sa kabilang panig ng pinto ng hawak na papel.

“Ano ba’ng ginagawa mo, Mister? Adik ka ba, ha?”

“Tsk, will you shut your mouth? Kahit five minutes lang, give me some peace.”

She gaped at him in disbelief. Siya pa ang nanggugulo? Oh God, how she love to strangle this man! She opened her lips to retort but the man suddenly covered her mouth with his hand and clicked the lights off. Impit siyang napasigaw nang mabalot ng dilim ang paligid, hindi siya makapaniwala na naroon siya kasama ng baliw na lalaking iyon. Siniko niya ito, inapakan ang paa, nagpupumiglas siya hanggang sa itulak siya ng lalaki sa pader at ipitin ang katawan niya gamit ang katawan nito.

Oh God, what was that? Sigaw ng isipan niya nang may maramdamang matigas na bagay sa bandang tiyan niya. Sinubukan niya muling sumigaw, mas humigpit naman ang pagkakahawak ng lalaki sa kaniya.

“Mamaya mo na ako bugbugin, okay? Just keep quiet for a while,” he whispered. That’s when she realized how close their bodies were. She can practically feel his heartbeat and his…his “thing” on her abdomen. Nag-init ang mga pisngi niya, mabuti na lamang at madilim sa kinaroroonan nila, or else makikita nito na nagbl-blush siya. To be honest, iyon ang unang pagkakataon na nakalapit siya nang ganoon sa isang lalaki. What she meant was ganoon kalapit. “Pakakawalan kita, okay? If you’ll promise that you’ll behave,” the man said, cutting her unwanted thoughts.

Marahan siyang tumango-tango. Unti-unting inalis ng lalaki ang kamay nito sa bibig niya pagkatapos ay lumayo sa katawan niya. She can feel his eyes on her as she massaged her jaws.

“Lalabas na ako—“

“Sssh,” he hissed then glanced at the door. May mga ingay silang naririnig sa labas.

“Ano ba kasing—”

“Nasaan?” Umalingawngaw ang boses na iyon sa labas, kapuwa sila natigilan ng lalaki. Narinig niya na mahina itong napamura. “Nasaan ang Gav Florence na sinasabi ninyo ha?”

“Mother, I’m sure na si Gav Florence ang nakita ko, naka-hood pa nga siya at naka-shades,” sagot ng pangalawang boses. Wait a minute, narinig na niya ang mga boses na iyon kani-kanina lang.

“Naka-hood at shades? Paano ka nakakasigurong siya iyon? Aanga-anga kang baklita ka,” singhal ng naunang boses. “Sabihin mo sa crew na mag-pack up, mga wala kayong silbi.” Kasunod niyon ay ang mga papalayong yabag.

Bumuntong-hininga ang lalaki at napasandig sa pinto. Siya naman ay pinindot ang switch, nabungaran niya na nakapikit ang lalaki, ang isang kamay nito ay naka-daklot sa buhok nito. The look of relief was written all over his handsome face.

“So…ikaw ang hinahanap nilang Gav Florence?” na-iintriga niyang tanong habang pinaglalakbay ang mga mata sa kabuuan ng lalaki. So, artista ang isang ‘to at isa sa mga pinag-iinitan ng Kitty. Alam niya na si Kitty at ang assistant nitong si Tonita ang nasa labas ng ladies’ room kani-kanina lang.

Nagmulat ang lalaki, awtomatiko na umarko ang isang kilay nito. “Hindi mo ako kilala?” The sound of disbelief was obvious on his voice.

“No,” aniya, muli niya itong hinagod ng tingin, sinadya niyang ipakita ang ginagawa niyang iyon para ipamukha dito na hindi siya apektado kung artista man ito or alien or whatever. To her annoyance, he did the same then smirked, wore his shades and threw the hood of his jacket over his head. “Hoy, saan ka pupunta?” tanong niya nang makita itong hawak ang knob.

“Home,” he said nonchalantly then glanced at her. “Thanks for your help,” he added and gave her a smile that left her gaping at him. Okay, wala siyang choice kundi aminin na guwapo talaga ang lalaki at…mmm, mabango. Pero sinira nito ang sales report niya at ang eyeliner niya—luminga-linga siya sa paligid—pati iyon ay tinangay ng unggoy. Nang lumabas siya ng ladies’ room ay inalis niya sa pagkakadikit sa pinto ang sales report saka tinanggal ang bubble gum sa likod niyon. Nakakapagtaka kung paanong doon pa naisipan ng isang artistang gaya ni Gav Florence na magtago.







Sisterets Club Book 3: Lhian

“Na-miss mo ako, na-miss din kita. Ano pa’ng hinihintay mo? Kiss me now.”

Ang hunk motocross racer na si Zyke Ocampo ang dream guy ni Lhian. Mula pa noong nasa college sila ay pinapangarap na niya ito pero parang hindi nito alam na nag-e-exist siya. Ni hindi nga yata nito alam ang pangalan niya kahit pa madalas sila nitong magkita. Para mapansin siya nito ay pumasok siyang photographer sa isang sports magazine na nagko-cover ng kaganapan sa mundo ng motocross racing. Malakas ang paniniwala niyang may patutunguhan na ang kahibangan niyang iyon dito.
Subalit nalaman niyang may bago na naman itong girlfriend—si Eulene, ang editor in chief ng magazine kung saan siya nagtatrabaho. Isang masamang balak ang pumasok sa kukote niya isang gabi. Ngunit tila hindi sang-ayon ang kapalaran sa evil scheme niya—dahil napansin nga siya ni Zyke pero nagalit naman ito nang todo sa kanya.


EXCERPT


“And now that I’m fired, paano ko pa maipagpapatuloy ang pagsubaybay ko sa Zyke ko?” mangiyak-ngiyak niyang tanong habang kaharap ang isang bote ng tequila, isang platito ng lime at si Alia na nakapangalumbaba.

Nasa isang sulok sila noon ng isang maliit na bar malapit sa Sisteret’s Fortress—ang bahay ni Alia na nagsisilbi nilang tambayan. Dapat ay doon sila iinom pero tinangay siya ni Alia palabas at dinala sa bar na iyon. Gaya niya ay naaaburido rin ang kaibigan, maghapon daw na hindi ito makapagsulat gawa ng ingay ng pinsan nitong si Moi at mga ka-banda nito. Pansamantala kasi ay sa bahay ni Alia nakatira si Moi dahil malapit iyon sa pinapasukan nitong university.

“You can still stalk him naman kahit wala ka na sa X and D, and for once, sissy, don’t let Zyke control your life. Naging photographer ka dahil kay Zyke, you chose that profession over what your parents wanted for you. Naglalasing ka dahil kay Zyke at hindi ka pa nagkaka-boyfriend dahil kay Zyke,” pangaral sa kaniya ni Alia. 

Napakurap-kurap siya at matamang tiningnan ang kaibigan, tinitiyak niya kung si Alia nga ba ang kaharap niya o si Abby? And speaking of Abby, dapat ay kasama nila ito at si Ellice pero nasa bakasyon ang mga ito kasama ang kani-kanilang mga nobyo. Sina Ellice at Jacove ay nasa London para makilala ang parents ng huli habang sina Abby at Gav ay nasa Paris. Malamang na nagha-hibernate ang mga iyon sa tuktok ng Eifel Tower. 

“What? Bakit ganiyan ka makatingin?” naco-concious na dugtong ni Alia.

Umiling siya at kinagat-kagat ang balat ng lime. Pweh. Ang pakla! “You talk the way Abby talk, you know,” aniya. “At saka pareho lang tayo. Iyang manuscripts mo ang komokontrol sa’yo. Nagtatago ka ng champagne sa ref mo para kapag na-reject ang manuscript mo ay may karamay ka kapag wala kami. Lagi kang nakakulong sa kuwarto mo dahil busy kang magsulat ng manusripts mo, hindi ka natutulog dahil nag-e-edit ka ng mga reject na manuscripts mo at hindi ka rin nagpapaligaw dahil nakakaistorbo iyon sa pagsusulat mo ng manuscripts.”

Exagge na sumimangot si Alia. Kung siya ay frustrated na admirer ni Zyke, ito naman ay frustrated romance author.

“Anyway, ano’ng balak mong gawin now that you’re fired?”

“Ipapadukot ko si Eulene at ipapatapon sa Ilog Pasig,” usal niya na nakasubsob na ang ulo sa mga braso. Mahigpit niyang ikunuyom ang mga kamao at ipinukpok sa mesa dahilan para mapatingin sa gawi nila ang ilang customers. “I really hate that woman! Hindi siya deserving for Zyke.”

“And does Zyke deserve you? Can’t you see, sis? Zyke cannot notice you. Kilala ka lang niya as his college schoolmate, as the photographer of X and D, the friend of Jacove de Luna’s friend pero hindi ka niya kilala as ikaw—as Lhian Sylvano who’s deeply, rapturously and crazily in love with him.”

“Hey, that hurts! Dapat ay ikono-comfort mo ako ngayon pero sinisira mo ang self-esteem ko,” maluha-luha niyang sabi sabay singhot

Bumuntong-hininga si Alia at ginagap ang kamay niya. “Okay, sorry. Ano’ng gusto mong gawin natin kay Eulene? Gusto mo bang ipakulam natin siya? Tawagan sa phone at sabihing ‘I know what you did last summer’, padalhan naitn ng isang box na daga…”

“Gusto ko siyang galitin hanggang sa umusok ang retoke niyang ilong.”

Bumunghalit ng tawa si Alia pagkatapos ay nagsalin ng tequila at nilagok iyon. “Kunan mo ng pictures si Zyke na may kasamang ibang babae tapos ay ipadala mo kay Eulene but the problem is…paano mo gagawin iyon?”

“I don’t know. Maybe I’ll hire someone to seduce Zyke,” kibit-balikat na aniya. She can imagine Eulene’s furious face while holding a photo of her beloved boyfriend, flirting with a woman prettier than hers or kahit hindi kagandahan ay ayos na.

Nagpatuloy ang walang kabuluhang pag-uusap nila ni Alia habang inuubos ang tequila and this time ay si Eulene ang naging pulutan nila. Mas marami pa sana silang maiisip na paraan kung paano pagbabantaan ang buhay ni Eulene kung naroon lang sina Ellice at Abby, they tend to do crazy things whenever the four of them are together.

“Uh-oh, I think I’m drunk na talaga,” pa-girl na sabi ni Alia, namumungay ang mga mata nito habang nakatutok sa bandang likuran niya. “Nakikita mo ba ang nakikita ko, sis?”

Kunot-noo niyang nilingon ang tinitingnan nito. Muntik na siyang mahulog sa kinauupuan nang makita kung sino ang nakaupo sa isang stool sa counter ng bar at mag-isang umiinom.

“S-Si Zyke ko,” hindi makapaniwala niyang usal. Napahawak siya sa dibdib, paano kasi ang malandi niyang puso ay tumatalon na naman sa tuwa. Ilang linggo na rin ang lumipas magmula nang huli niyang makita ang binata, sa paningin niya ay mas gumuwapo ito though he seemed like he’s in a bad mood. She wondered why.

“Type mo?”

Napabaling siya sa nagsalita. Hindi niya namalayan na may iba na silang kasama sa mesa. It’s a woman with curly red hair and very red lips. Sobrang kapal din ng mascara at eyeliner nito na parang hirap na itong imulat ang mga mata nito.

Nagpalitan sila ng tingin ni Alia, wala sa kanila ang nakapagsalita. They don’t talk to strangers.

“I’m Maxine, G.R.O. ako rito,” the woman said and leaned at her. “Narinig ko ang pinag-uusapan ninyo at puwede kitang tulungan. Ilang beses na rin na may nag-hire sa akin para sirain ang pagsasama ng dalawang nagmamahalan. Kadalasan ng kliyente ko ay mga desperada at sawi na gaya mo.”

Kalbuhin ko kaya ang pilikmata ng babaeng ‘to? Desperada at sawi daw siya? Excuse me!

Umingos siya. “Unang-una, hindi nagmamahalan sina Zyke at Eulene. Eulene’s not capable of loving. Pangalawa, hindi ako desperada at lalong hindi sawi at pangatlo, magkano ang serbisyo mo? Magaling ka ba talaga? Kaya mo talagang sirain sina Eulene at Zyke?”

Napaubo si Alia nang masamid sa iniinom, nakaawang ang bibig na nagpalipat-lipat ang tingin nito sa kanila ng babaeng nagpakilala as Maxine. “You’re not serious, sis,” wika ng kaibigan nang matagpuan nito ang sariling boses.

Nakangisi na binalingan niya ito. “I am serious.”

“You’re crazy!”

“Crazy is my middle name,” she said and winked at Alia.








Sisterets Club Book 4: Alia

“You’re my genie in a bottle. I still have two wishes left: stay and forever.”
Isang gabing abala si Alia sa pagsusulat ng nobela niya ay bigla siyang pinasok sa kuwarto niya ng isang matangkad na lalaking sabog-sabog ang buhok at naka-briefs lang. Sa takot ay hinambalos niya ito ng laptop sa mukha.
Eksakto namang dumating ang pinsan niyang si Moi. Nalaman niya mula rito na hindi naman psycho killer/rapist ang lalaki kundi kaibigan nito at lead vocalist ng Half-blood band na si Neo Ravensdale. Ito rin ang lalaking dati na siyang may malaking atraso.
Pagkalipas ng ilang araw ay naabutan niya ito sa bahay na tinitirhan niya. Pinapalayas siya nito at nagpakita pa ng dokumento na may karapatan itong tumira sa tinitirhan niya. Anim na buwan daw itong titira doon. Sa huli ay pumayag itong doon na rin siya tumira. Living with him was like hell, kaya wala siyang hinangad kundi hintayin ang araw ng pag-alis nito.
Ngunit bakit noong gabing magpaalam ito ay parang namatay ang kalahati ng puso niya? At sa laking pagtataka pa niya, nang makaalis na ito ay natuklasan niya ang isang lihim na ginawa nito: tinulungan siya ni Neo na matupad niya ang matagal na niyang pinapangarap sa buhay. Bakit kaya?


EXCERPT

Madilim na ang kabahayan nang marating niya ang compound, nasa bakuran na ang pick-up ni Neo. Marahil ay walang gig ang mga ito, normally kasi ay inaabot ng alas kuwatro ang uwi ni Moi kapag tumutugtog sa Dazzle Bar. 

Dazzle Bar. Napangiti siya nang mapakla nang may maalala. Months ago ay nakipag-away silang apat doon—actually si Lhian lang ang nakipag-away nang pagselosan ang noon ay girlfriend ni Zyke, nadamay lang silang tatlo nina Ellice at Abby. Ipinadampot sila ng may-ari ng bar sa mga pulis at magdamag na nagpalipas ng sa PNP Station. Ngayon ay iniisip niya kung si Neo ba ang nagpadampot sa kanila o ang co-owner nito? Tingnan mo nga naman kung magbiro ang kapalaran. 

She fetched her keys inside her bag and pushed it on the keyhole. The lock clicked open ngunit nang itulak niya ang pinto ay nabigla siya dahil ayaw niyong bumukas nang malawak, may isa pang lock na pumipigil doon. Inilawan niya iyon, it’s a chain attached to the door’s edge and the wall beside it. 

“Anak naman ng kamote, isa ba ito sa mga ipinagawa ni Neo?” tanong niya sa sarili saka muling itinulak ang pinto. Sinubukan rin niyang ipagkasya ang sarili sa siwang ang kaso ay nasa isang dangkal lang ang sukat niyon. Inis na pinindot niya nang pinindot ang buzzer, wala siyang pakialam kung masira iyon, ang importante ay magising niya si Neo. 

Ilang sandali lang ay nakita niya mula sa bintana na bumukas ang ilaw sa kuwarto nito, narinig niya ang pagbukas ng pinto kasunod ang pagbukas ng ilaw sa sala and finally ay ang pagdungaw ng pupungas-pungas na si Neo sa naka-awang na pinto. He looked down at her with those puffy and annoyed eyes, sabug-sabog din ang buhok nito; nevertheless, he’s still handsome. Napalunok siya nang mapansin na naka-itim na boxers shorts lamang ito and bulging on his front was his… “package”. Huge package. Agad niyang iniiwas ang tingin doon at ibinalik sa mukha nito. 

“Hindi ka na dapat umuwi. Ano’ng oras na ito? Ganito ba ang oras ng uwi ng isang babae?” 

“Huwag mo akong sermonan, hindi ikaw ang Daddy ko.” 

“And if ever I am your Dad, I’m going to spank you or chain you to your room.” 

Napabuntong-hininga siya. “Look, bukas na tayo magtalo, okay? Let me in.” 

“Say the password.” Napalitan ng ngisi ang inis na nakabanaag sa mukha ni Neo. Great! Just great! Mukhang balak pa nitong makipaglaro sa kaniya bago siya nito papasukin at hayaang magpahinga. 

“Anong password ang pinagsasabi mo?” 

“Jollibee dance, that’s the password.” 

“J-Jollibee…? Ano?” 

“Jol-li-bee-dance,” mabagal na ulit nito na parang nagtuturo ito sa isang retarded. “Jol-li-bee—“ 

“I heard it, all right?” asik niya dito. Sira ulo talaga. Talagang gusto lang siya nitong buwisitin. Humugot siya ng hininga para pakalmahin ang sarili pagkatapos ay binigkas ang pesteng password na iyon. “Jollibee dance,” nayayamot niyang sabi. “Let me in now.” 

Neo clucked his tongue, there’s a fake impatient look on his face. 

“That’s not what I meant. I want you to dance like Jollibee, and oh, sabayan mo na rin ng kanta. Alam mo ‘yung ‘I love you, Sabado’? Sumayaw ka at kantahin iyon then I’ll let you in and we can go to sleep.” 

Jerk! “Will you stop playing with me? Madaling araw na ito, papasukin mo na ako.” Halos magsumamo na siya dito. Kulang na lang ay maglupasay siya sa harap nito. 

“Sundin mo ang sinabi ko, saka lang kita papapasukin,” anito sabay matamis siyang nginitian. Siya namang asim ng mukha niya. “Come on, now, hindi naman mahirap ang pinapagawa ko. Even kids can do that.” 

“You are evil. Why are you doing this to me?” 

“I’m waiting…” 

“I hate you. I really, really hate you!” 

“Gano’n? Okay, bye—“ 

“Teka!” mabilis niyang pinigil ang akmang pagsara nito ng pinto. “Paano ako makakasiguro na papasukin mo nga ako kapag s-sumayaw ako?” 

“Just trust me, honey,” wika ni Neo na hindi nawawala ang matamis na ngiti sa mga labi. Honey. Geez. He called her honey. Why does it felt and sounded so good? 

Tumikhim siya pagkatapos ay ikinuyom ang mga kamao at itinapat ang mga iyon sa dibdib niya na para siyang makikipag-boxing. Okay, para matapos na ang kalokohang iyon ay pagbibigyan niya ang trip ng herodes na ito pero humanda lang ito kapag nakapasok siya or idadagdag na lang niya iyon sa listahan ng atraso ni Neo sa kaniya at isang araw ay sisingilin niya ito. Damn him. 

“I-I…” Lumunok siya, maging ang kahihiyan niya ay kasama sa nilunok niya. “I love you, Sabado, pati na rin Linggo…” She started wiggling her butt the way Joliibee does whenever he’s dancing. “Hintay ka lang, Jollibee, nandiyan na ako.” Humanda kang hudas ka, nandiyan na ako. Isinasabay niya sa beat ng kanta ang pagkendeng ng puwit at balakang niya. God! She can’t believe Neo dragged her into that! “Panlasang Pilipino, at home sa Jollibee.” 

“Again,” Neo said. His eyes were crinkling with amusement; his shoulders were shaking as he suppressed a laugh. 

Jerk. Jerk. Jerk! 

“I love you, Sabado, pati na rin Linggo. Hintay ka lang, Jollibee, nandiyan na ako. Panlasang Pilipino, at home sa Jollibee.” 

“One more time, Chinese version na naman—“ 

Malakas niyang inihampas ang isang palad sa pinto at matalim na tiningnan si Neo. “Papapasukin mo ba ako o susunugin ko itong bahay kasama ka?” 

Tatawa-tawa na iniangat nito ang mga palad. “Easy, baby, bubuksan ko na po,” anito sabay tanggal sa kadena at atras palayo sa pinto. “You know, puwede kang mag-apply as mascot sa Jollibee. You can be Jollibee’s partner, they can put some curly hair on your costume—“ 

Hindi na nito naituloy ang sasabihin nang sumirit ito papasok sa kuwarto nito matapos niyang kunin ang flower vase sa coffee table at i-akmang ibabato dito. Mula sa loob ay dinig niya ang malutong nitong tawa pagkatapos ay ang pagkanta nito ng “I love you, Sabado”. 

Oh boy, nakahanap ng laruan sa katauhan niya ang sira ulong si Neo.

2 comments:

  1. gawa po ulit kau ng batch 2 i really love your books.. work of art po talaga.. i hope maging part man lng po ako if you want lng po and paki bati nalng po ako... hehehe Vetty Corpuz here maam .. i want anothor obra maestra from you maam.. hehehe galing ypu po gumawa.. lalo na yung last kay Alia.. love ko talga sobra....

    ReplyDelete
  2. Hi, Vetty, thank you for the appreciation. Sige, I'll include you sa greeting list ko.

    hindi ko na gagawan ng Batch 2 ang Sisterets, eh, pero sana abangan po ninyo ang stories ng Half-blood Band (mga ka-banda ni Neo). Again thank you! :)

    ReplyDelete