Wednesday, February 20, 2013

The Wrong Proposal






THE WRONG PROPOSAL

(Released Date: February 12, 2013)


“You are hard to find. Kahit saang lugar ako magpunta ay hindi ako makakahanap ng gaya mo.”

“Marry me, sweetie.”

Napamulagat si Miel at dagling nag-angat ng tingin pagkarinig sa mga katagang iyon. Sa kanya nakatingin ang mga namumungay na mata ni Rafael, ang lalaking matagal na niyang itinatangi. Her throat tightened with the sudden tension. She could feel the eyes of the guests on them. Napatunayan niyang mali si Nora Aunor sa sinabi nitong “Walang himala!” dahil mayroong himala at nararanasan niya iyon nang mga sandaling iyon.

“Yes, I’m going to marry you!” Hindi na niya hinintay na isuot ni Rafael ang singsing sa daliri niya. Mabilis niyang kinuha iyon mula rito at siya na mismo ang nagsuot niyon sa daliri niya, pagkatapos ay kinabig niya ito sa batok at siniil ng halik sa mga labi. Pinakawalan lang niya ang mga labi ni Rafael nang kapusin na siya ng hangin. Habol ang hininga na tiningala niya ito habang nananatiling nakayapos ang mga braso niya sa leeg nito. She saw him frown as he stared down at her beaming face.

“W-who are you?” naguguluhang tanong nito sa kanya.

She caught the scent of alcohol on his breath. Unti-unti itong pumikit at dahan-dahang bumagsak sa kanya…


A LITTLE TRIVIA

OH.EM.GEE! Ang story namin ni Rafael Rosell (story namin talaga?) Isa rin ito sa mga dream stories ko kaya sobrang excited ako nang ma-approved ito. Ginawa ko ito noong mga panahon na baliw na baliw ako kay Rafael Rosell. Dito ko na-realized kung anong genre ang talagang gusto kong isulat--romantic-comedy. I had a good time doing those kind of stories and I find it easy to finish writing one, smooth ang flow ng ideas unlike kapag mellow drama ang ginagawa ko. Nararamdaman ko ang depression ng heroines kaya ang resulta ay nahihirapan akong makausad.

Let's talk about Raffit the Froglet and Miley the Panda:

Base sa nababasa kong feedback ng readers regarding sa The Wrong Proposal, mas sikat sina Raffit at Miley kumpara sa main characters. Raffit is my own version of Pascal the Chameleon of the Disney film, Tangled. Kung napanood na ninyo ang movie, may mga scenes doon kung saan mali-mali ang tawag ni Flynn Rider kay Pascal, he called it frog, lizard, etc., that was the same thing that Rafael was doing to Raffit in my book.

Why Miley the Panda? Ang totoo ay bunny dapat si Miley ang kaso ay hindi kami magkasundo ng sister ko noong pinapa-photoshop ko sa kaniya si Miley the Bunny. Hindi niya makuha anhg gusto kong hitsura ni Miley so I said, "Okay, can you do a panda?" She drew one and showed it to me. (see image below.)

No comments:

Post a Comment