Wednesday, February 20, 2013

The Wrong Proposal






THE WRONG PROPOSAL

(Released Date: February 12, 2013)


“You are hard to find. Kahit saang lugar ako magpunta ay hindi ako makakahanap ng gaya mo.”

“Marry me, sweetie.”

Napamulagat si Miel at dagling nag-angat ng tingin pagkarinig sa mga katagang iyon. Sa kanya nakatingin ang mga namumungay na mata ni Rafael, ang lalaking matagal na niyang itinatangi. Her throat tightened with the sudden tension. She could feel the eyes of the guests on them. Napatunayan niyang mali si Nora Aunor sa sinabi nitong “Walang himala!” dahil mayroong himala at nararanasan niya iyon nang mga sandaling iyon.

“Yes, I’m going to marry you!” Hindi na niya hinintay na isuot ni Rafael ang singsing sa daliri niya. Mabilis niyang kinuha iyon mula rito at siya na mismo ang nagsuot niyon sa daliri niya, pagkatapos ay kinabig niya ito sa batok at siniil ng halik sa mga labi. Pinakawalan lang niya ang mga labi ni Rafael nang kapusin na siya ng hangin. Habol ang hininga na tiningala niya ito habang nananatiling nakayapos ang mga braso niya sa leeg nito. She saw him frown as he stared down at her beaming face.

“W-who are you?” naguguluhang tanong nito sa kanya.

She caught the scent of alcohol on his breath. Unti-unti itong pumikit at dahan-dahang bumagsak sa kanya…


A LITTLE TRIVIA

OH.EM.GEE! Ang story namin ni Rafael Rosell (story namin talaga?) Isa rin ito sa mga dream stories ko kaya sobrang excited ako nang ma-approved ito. Ginawa ko ito noong mga panahon na baliw na baliw ako kay Rafael Rosell. Dito ko na-realized kung anong genre ang talagang gusto kong isulat--romantic-comedy. I had a good time doing those kind of stories and I find it easy to finish writing one, smooth ang flow ng ideas unlike kapag mellow drama ang ginagawa ko. Nararamdaman ko ang depression ng heroines kaya ang resulta ay nahihirapan akong makausad.

Let's talk about Raffit the Froglet and Miley the Panda:

Base sa nababasa kong feedback ng readers regarding sa The Wrong Proposal, mas sikat sina Raffit at Miley kumpara sa main characters. Raffit is my own version of Pascal the Chameleon of the Disney film, Tangled. Kung napanood na ninyo ang movie, may mga scenes doon kung saan mali-mali ang tawag ni Flynn Rider kay Pascal, he called it frog, lizard, etc., that was the same thing that Rafael was doing to Raffit in my book.

Why Miley the Panda? Ang totoo ay bunny dapat si Miley ang kaso ay hindi kami magkasundo ng sister ko noong pinapa-photoshop ko sa kaniya si Miley the Bunny. Hindi niya makuha anhg gusto kong hitsura ni Miley so I said, "Okay, can you do a panda?" She drew one and showed it to me. (see image below.)

Saturday, February 16, 2013

In The Arms Of My Enemy






Vanna and Filan were two protective siblings to Erin and Dylan. The last thing Vanna wanted was for her stepsister Erin to get hurt and Filan doesn't want Dylan to go back to his old life, the life that he almost lost because of a woman. Dahil sa pagiging protective nilang iyon sa mga kapatid nila ay nagtagpo ang mga landas nila, isang hindi magandang pagtatagpo sapagkat ang turing nila sa isa't isa ay kaaway.

“You can run away from me but you can’t run away from what you’re feeling, not from the truth that you’re falling in love with me.”


“Stay away from Dylan. You’re ruining his life.” Iyon ang mga katagang binitiwan ng guwapo, matangkad, at mestisong si Filan Walterson kay Vanna nang bigla na lang itong sumulpot sa harap niya. Nakaawang ang bibig na tiningnan lang niya ito na parang ibang lengguwahe ang inusal nito.
Nalaman ni Vanna na ito pala ang nakatatandang kapatid ni Dylan, ang nobyo ng stepsister niyang si Erin. Hindi niya lubos- maisip kung paanong siya ang pinaghinalaan nitong nobya ni Dylan. Isa lang ang alam ni Vanna: hindi niya sasabihin kay Filan ang totoo na hindi siya ang girlfriend ng kapatid nito sa takot na si Erin naman ang guluhin at pagbantaan nito.
Pero nabisto pa rin sila nito nang mabuntis ni Dylan si Erin— isang bagay na isinisi sa kanya ni Filan.
Paano pa siya makakalayo sa anino ni Filan ngayong konektado na ang mga pamilya nila dahil sa batang nasa sinapupunan ni Erin? Ngayon pa namang kailangang-kailangan niyang makalayo rito dahil in love na siya sa lalaking ginawang miserable ang buhay niya.


A LITTLE TRIVIA:

Like Unexpected Romance, this story was first written six years ago in a cheap notebook. It has fifty plus chapters dahil na rin sa dami ng side characters at conflicts na hindi ko alam kung saan ko napulot. This is the third sequel of Unexpected romance. Supposedly, stand alone novel ito at wala talaga akong balak na gawan ng sequel ang U.R. dahil hindi naman ako mahilig gumawa ng sequel. Pero kinailangan ni Sofie ng friend sa Sofie's Sweetest Mistake, so 'yun, I decided to pick up Vanna.

Unexpected Romance


    

This book was about the protective niece of Alexa named Dana and her stepson Kyler Samartino whom Dana thought was having a May-December love affair with her aunt at the beginning. Dana was determined to keep Alexa away from Kyler because she thought he was just using Aunt Alexa for his own benefit until the truth was revealed about who and what Kyler really was. Revelations that leads to an unexpected romance between Dana and Kyler. 

Date released: May 16, 2012

"My attraction for you grows deeper every time you're pushing me away. Tuwing sinusungitan mo ako ay mas lalo kitang nagugustuhan."

Unang kita pa lang ni Dana kay Kyler ay napataas na ang kilay niya. Agad na napansin niya ang kakaibang sweetness nito at ng Tita Alexa niya. Wala siyang problema kung magkanobyo man ang Tita Alexa niya; she had been single for quite a long time now. But the biggest “but” was Kyler himself. He was a mere farmer and so much younger than her aunt. Masasaktan at maghihirap lang ang tiyahin niya sa piling ng binata.

Kaya nang malaman niya isang araw na magkasama ang mga ito sa lugar na kung tawagin ay “Villa Samartino,” lakas-loob na sumugod siya roon para iuwi ang tiyahin niya at para komprontahin na rin si Kyler.
Pero nang marating niya ang villa ay nalantad sa kanya ang isang malaking rebelasyon. Hindi boyfriend ng kanyang tiyahin si Kyler at lalong hindi ito isang hamak lang na magbubukid. At ang ikinaiirita pa niya, tila isang hari ito na nakaupo sa trono nito, wearing a smile on his lips na parang gusto siyang akitin nito sa pamamagitan ng ngiti nito. Hindi na siya nakapalag dahil hindi lang siya naakit sa ngiti nito, nalaglag din ang puso niya rito.


            ****************************************


In writing the Unexpected Romance...

Ito ang kauna-unahan kong akda, it was my first baby and was one of my favorites. I first wrote this around 2006, in an old notebook with Dennis Trillo (my ultimate crush that time) on the cover. Nahirapan lang akong i-revise ito kasi wala pa akong sariling computer noon. First time ko ring gumawa ng manuscript (I don't even know what a manuscript was by then) kaya sangkaterba ang typo errors. It took months and months for me to edit this and another month to wait for the result. Hindi pa ako ganoon kabihasa nang mga panahong iyon, hindi ko alam na may formula palang sinusunod sa pagsusulat ng romance (hindi ko rin alam ang pagkakaiba ng romance sa love story), marami rin akong nababasa na usap-usapan kung gaano ka-istrikto ang PHR sa pagtanggap ng manuscripts at nagsimula na akong atakehin ng paranoia. I was hopeless then, a big part of me was expecting for a negative feedback until one night when I checked my email, I saw this message from the editorial staff with the subject: Feedback. My hands were shaking as I clicked on the message and when I read it, grabe, pakiramdam ko tumalon ang kaluluwa ko palabas ng bibig ko. Approved ang MS ko! It was unbelievable, it was wonderful and it was unexpected!

When Unexpected Romance was released...

It was unforgettable. 'Pag gising ko, nakita ko sa notification sa Facebook ko na may naka-tag nang picture, galing iyon sa album ng Precious Hearts New Releases. The feeling was overwhelming that I became tearful.