Tuesday, May 28, 2013

For The First Time


FOR THE FIRST TIME
RELEASED DATE:MAY 21, 2013


He came into her life not just by coincidence. He came with a purpose and that was to fix her life, mend her heart, and show her what love was all about.

Claud Abelardo was one of the award-winning directors in the country. Pagkatapos maging successful ng bagong pelikula na ginawa niya ay may naka-line up na agad siya na bagong project. This time ay isa iyong indie film na pinamagatan niyang “Maria Inocencia.” It was all about a thirty-year-old woman who never had a boyfriend. And to make the film more realistic, naghanap siya ng babaeng gaya ni Maria. Nakita niya ito sa katauhan ni Lhia Rivero, isang landscape artist from Palawan. She was thirty years old at hindi pa nakararanas na magkanobyo. 
Sinubukan niyang makipaglapit dito. At nang magtagumpay siya, nadiskubre niya ang tunay na dahilan kaya pinili nitong manatiling walang anumang attachment sa kahit na sinong lalaki—dahil iyon sa ina nito na ipinagpalit sina Lhia at ang ama nito sa isang mayamang abogado. 
Nagawa niyang maisaayos ang pelikula, pero hindi kasama sa script na matutuhan niyang mahalin si Lhia, lalo pa at determinado itong makalayo sa kanya dahil kapatid siya ni Allen Abelardo, ang mayamang abogado na kinamumuhian nito.

 




Sofie's Sweetest Mistake








SOFIE'S SWEETEST MISTAKE

RELEASED DATE: MAY 7, 2013


“Nakaka-curious kung ano ang tumatakbo sa isip mo tuwing tinitingnan mo ako nang ganyan. Tell me, pinagnanasaan mo ba itong katawan ko?”

Lintek lang ang walang ganti.
Iyon ang tumatakbo sa isip ni Sofie habang patungo siya sa simbahan para pigilan ang kasal ng ex-fiancé niyang si Arthur. There was no way na ikakasal ito gayong hindi ito sumipot sa kasal nila several months ago. She successfully made it. Nagawa niyang guluhin ang kasal sa pamamagitan ng pag-imbento ng kung ano-anong kuwento sa harap ng maraming tao, dahilan para mag-walk out ang bride nito. Kaya galit na galit na kinaladkad siya ng binata palabas ng simbahan hanggang sa police station para sampahan ng demanda.
Doon na na-reveal na hindi naman pala si Arthur ang kaharap niya kundi si Ashton James Velez, ang half brother ng ex-fiancé niya na malaki ang pagkakahawig dito. Kasal ng maling tao ang ginulo niya!
Mula nang araw na iyon ay napapadalas na ang pagkukrus ng mga landas nila ni Ashton. Hindi nila maiwasang magbangayan. A number of unexpected things happened between them, but the most unexpected of all was when she found herself falling in love with the man who looked so much like her bastard ex-fiancé.


A LITTLE TRIVIA:



Erm, Sofie's Sweetest Mistake is the second sequel of my first book Unexpected Romance. Supposedly, lumabas na ito around December last year, and supposedly ay nauna itong na-i-release keysa sa In The Arms Of My Enemy which is the third sequel. This book is special to me dahil habang ginagawa ko 'to, dito ko na-realized kung ano talagang genre ang gusto ko--romantic comedy. I was quite hesitant pa na ipasa ito, iniisip ko na baka hindi siya matanggap. Hindi ko pa alam noon na tumatanggap pala ng rom-com stories ang PHR (bago ako naging PHR writer ay 7 or 8 years akong hindi nakapagbasa ng Tagalog pocketbooks, hindi ako sumasali sa mga PHR forums, at wala akong masyadong kilalang published writers o mga readers na addicted sa tagalog pocketbooks so hindi ako updated kung alin na ba ang swak sa panlasa ng mambabasang Pilipino). This one's another "cat and dog" story. Yeah, mahilig ako sa ganoong type ng story, masasabi ko na iyon ang nagsisilbi kong comfort zone. Paunti-unti ay lumalabas na ako sa zone na 'yon at hindi siya madali. Nagsisimula na ako, actually, I swear hindi talaga madali. *sigh*